Alam niyo ba nakakatulong ang honey o pulot sa katawan ng tao?
Ang honey o pulot-pukyutan ay maraming benepisyong pangkalusugan.
Ayon sa mga eksperto, mainam ang honey kung hindi dumaan sa init o ang tinatawag na raw honey.
Ito’y tumutulong para mapabilis na ma-absorb ng katawan ang calcium na nakukuha sa gatas at iba pang bitamina.
Nakakatulong din ito magpataas ng hemoglobin count at mabisang lunas upang maiwasan ang anemia.
Maaari ring ihalo ang honey sa apple cider na mabisang gamot sa arthritis.
Mabisang panlaban rin ito sa sipon at iba pang respiratory infections.
Paliwanag ng mga eksperto na maraming benepisyo ang honey sa ating katawan ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.