Alam n’yo ba na malaki rin ang naitutulong ng pag-inom ng calamansi juice, pineapple juice at iba fruit juices upang labanan ang paglubha ng sipon?
Ang pinaka-karaniwang panlaban sa sipon ay Ascorbic Acid o Vitamin C.
Sa kasalukuyan, wala pa talagang gamot na tuluyang pupuksa sa mga virus na nagdudulot ng matinding sipon dahil kusa na lang itong nawawala sa paglipas ng mga araw.
Bukod dito, ayon sa mga eksperto, may isa pang paraan upang mapaluwag ang paghinga sa mga sandaling barado ang ilong dahil sa sipon at ang tawag dito’y suob o tuob.
previous post