Pamilyar pa ba kayo sa kundol o kilala rin sa tawag na winter melon, wax gourd, o white pumpkin?
Ang kundol ay isang uri ng masustansyang prutas.
Kabilang sa mga benepisyo nito sa katawan ay ang pagbibigay ng vitamin B2 na nakatutulong upang mapalakas ang paningin.
Mayaman din ito sa fiber, at mataas ang water content kaya nakatutulong itong pagbutihin ang digestion ng katawan.
Dahil sa mataas na antas ng potassium at vitamin C, napo-protektahan din ng kundol ang puso.
Bukod sa mga nabanggit, pinapalakas din nito ang immune system, detoxifying ng katawan, at nakatutulong sa pagpapababa ng timbang. – Sa panulat ni john Riz Calata