Alam niyo ba ang benepisyong hatid ng mabilis na paglalakad?
Ang brisk walking o tinatawag ding power walking ay ang paglalakad nang may maximum speed na 4.5 meters per hour sa loob ng 30 minuto kada araw.
Pinapababa rin nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng heart diseases dahil pinabibiis nito ang tibok ng puso sa magandang paraan.
Nakakatulong ito sa pagpapanatili ng healthy weight ng isang indibidwal.
Mainam rin ito sa pagpapalakas ng buto at muscle endurance.
Pinapataas din nito ang activity levels ng isang tao at nakakatulong sa pagpapaganda ng mood.
Maliban dito, maliit din ang posibilidad na makakuha ng anumang injury o sakit sa katawan sa pamamagitan ng brisk walking kumpara sa ibang uri ng pag-e-ehersisyo.—sa panulat ni Hannah Oledan