Bugtong-bugtong…santol ko sa tabi, nagbabalat kayo ng ube. Ano ako?
Mababa man sa calories, siksik naman ang mangosteen sa nutrients.
Alam niyo ba na ang mangosteen ay likas sa protina, fiber, carbohydrates, magnesium at Vitamin C, B9, B1 at B2.
Alam niyo ba na ang mangosteen ay likas sa fiber na nakapagpapadali sa ating pagbabawas, protina na kailangan ng ating mga muscles at antioxidants tulad ng vitamin c na nakatutulong na malabanan ang anumang uri ng sakit.
Mayroon din itong anti-inflammatory properties dahil sa taglay nitong Xanthones na nakapag-papababa ng posibilidad ng pagkakaroon ng cancer, heart disease at diabetes.
Nakapagpo-promote din ito ng weight loss dahil nakatutulong ang anti-inflammatory properties nito para mapigilan ang pagtaas ng timbang.—mula sa panulat ni Hannah Oledan