May mga pagkain na posibleng makatulong sa pagiging healthy ng ating katawan, kabilang ang utak.
At alam n’yo ba na kasama sa mga tinaguriang “brain foods” ang mani?
Paliwanag ng mga eksperto, ang mani ay may taglay na Vitamin E at good fats.
Ayon sa mga pag-aaral, kapag mataas ang antas o level ng Vitamin E sa ating katawan, mas tumatalas ang ating pag-iisip.
Tunay na may benepisyo ang mani para sa memorya kaya mainam daw na kumain ng nilagang mani, kasoy at walnuts.
Samantala, ipinapayo naman ang pag-iwas sa pritong mani, lalo kapag maraming asin.