Ang red wine, bilang isang uri ng alak ay may masama nang reputasyon lalo na sa ating kalusugan ngunit paano nga ba ito naging malusog?
Ang mga antioxidant sa red wine o polyphenols ay nakakatulong na protektahan ang lining ng mga daluyan ng dugo sa puso.
Maaari ring makatulong ang resveratrol na maiwasan ang pagkasira sa mga daluyan ng dugo, mabawasan ang low-density lipoprotein cholesterol o ang masamang kolesterol at maiwasan ang mga pamumuo ng dugo.
Samantala, ang iba pang benepisyo ng pag-inom ng red wine ay:
- pinapababa ang masamang kolesterol.
- pinapanatiling malusog ang puso.
- binabawasan ang panganib ng kanser.
- tumutulong sa paggamot sa karaniwang sipon.
- pinapanatiling matalas ang memorya.
- pinapanatili kang slim.
- binabawasan ang panganib ng depresyon —sa panulat ni Hannah Oledan