Maliit lamang ang nakukuhang benepisyo ng isang coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient mula sa paggamit ng plasma mula sa COVID-19 survivor.
Ito’y batay sa pag-aaral o clinical trial sa Argentina.
Ang therapy ito ay kilala bilang convalescent plasma na nagbibigay umano ng antibodies mula sa COVID-19 survivors patungo sa mga indibidwal na nahawaan ng naturang sakit.
Sa naturang pag-aaral hindi kinakitaan ng malaking pagbabago ang estado ng kalusugan ng COVID-19 patient na ginamitan ng plasma.
Hindi rin umano nito nabawasan ang tyansa ng isang pasyente na masawi dahil sa nakahahawang sakit.
Magugunitang noong Oktubre, isang pag-aaral sa India ang inilabas na nagsasabing ang paggamit ng convalescent plasma ay nakapagpapabuti ng kondisyon ng mga pasyenteng nakararanas ng sintomas ng COVID-19.