Hindi lamang isang sikat na pampaasim ng sabaw o putahe ang bunga ng sampalok.
Ito rin ay mayroong benepisyo sa katawan na panlaban sa ilang sakit dahil sa taglay nitong mga bitamina at mineral.
Taglay ng sampalok ang antioxidants, anticancer properties, folic acid, niacin, iron, zinc at iba pa.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, mabisang panlaban ang sampalok sa anemia o iyong pagiging kulang sa dugo.
Makatutulong din ang pag-inom ng pinakuluang mga dahon ng sampalok para sa mga sakit sa baga, almonaras, lagnat, sipon at mga impeksyon.