Mahilig ba kayo sa mga pagkaing maaanghang?
Alam niyo ba na bukod sa pampagana ito sa ating pagkain, ay may kalakip din itong benepisyo.
Ang capsaicin na sikretong sangkap ng sili ay katunayang ginagawang supplement.
Mayaman din ang sili sa vitamin a, vitamin c, potassium, folic acid, at fiber.
Posible din nitong mapigilan ang pagkakaroon ng diabetes ayon sa isang pag-aaral at nakitang nakapag-papa-baba ito ng blood sugar.
Mabisa rin itong pampapayat dahil napapabilis nito ang ating metabolism at nagpapainit ng katawan na siyang dahilan ng pagbabawas ng calories.
Napipigilan din nito ang pag-babara ng ugat sa puso, pagpapaluwag ng baradong ilong, at pag-alis ng sakit sa katawan tulad ng arthritis. - sa panunulat ni Hannah Oledan