Alam niyo bang may taglay na benepisyo ang tanglad?
Ito ay hindi lamang ginagamit upang mapabango o mawala ang lasa ng isang lutuin.
Nagtataglay rin ito ng iba’t ibang benepisyo na mapapakinabangan ng tao.
Ayon sa mga eksperto, epektibong panunaw ang tanglad; may taglay din itong anti-depressant; gamot sa sumasakit na ngipin; at marami pang iba.
Sagana rin ang tanglad sa iba’t ibang nutrisyon tulad ng bitamina, mineral gaya ng folate, magnesium, zinc phosphorus, potassium at vitamin A at C. – Sa panualt ni John Riz Calata