Mahilig ba kayong kumain ng taro?
Alam niyo ba na ang starchy-root vegetable na ito ay likas sa fiber at iba pang nutrients?
Nakapagbibigay din ito ng maraming benepisyo sa kalusugan tulad ng mas maayos na blood sugar management, gut at heart health.
Nag-o-offer din ito ng Anti-cancer properties dahil sa plant-based compound nito na polyphenols.
Matatagpuan dito ang Quercetin na nakakatrigger ng cancer cell death at napapabagal ang growth ng ilang uri ng cancer.
Dahil sa mataas na fiber at starch content nito, maaaring magkaroon ng pakiramdam ng pagkabusog ang taong kumakain nito, bawasan ang calorie intake at increased fat burning na posibleng humantong sa pagbaba ng timbang at pagbaba ng taba sa katawan. —sa panulat ni Hannah Oledan