Bugtong bugtong, sa loob ng isang sanga kami ay lagpas lima at kulay lila. Ano kami?
Bagamat may kamahalan ay marami namang makukuhang benepisyo sa pagkain ng ubas.
Nakapagpapatibay ito ng buto dahil sa taglay nitong iron, manganese at copper na importante sa pagpapanatili ng kalusugan sa buto at para maiwasan ang mga sakit tulad ng Osteoporosis.
Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng mataas na uric acid dahil sa high water content nito na nakatutulong din upang maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon sa kidney.
Napapalakas din nito ang ating immune system dahil siksik ito sa Antioxidants tulad ng Vitamin C na mahalaga upang labanan ang iba’t ibang uri ng sakit. —sa panulat ni Hannah Oledan