Handa na ang mga benepisyong ipagkakaloob ng gobyerno sa pamilya ng nasawing Pinay caregiver sa lindol sa Taiwan.
Tiniyak ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ayon kay Bello, kabilang sa makukuha ng pamilya ni Melody Albano Castro ay ang P200,000.00 na death benefits, P50,000.00 livelihood assistance at scholarship assistance para sa anak nito.
Makakakuha din aniya ng in compulsory insurance ang pamilya ni Albano sa halagang 15,000 Taiwan dollars bukod pa sa 500,000 Taiwan dollars na insurance na sagot ng Japanese employer nito.
Ipinabatid pa ni Bello ang ibibigay sa pamilya ni Castro na 100,000 Taiwan dollars mula sa lokal na pamahalaan ng Hualien na siyang sentro ng lindol.