Inaprubahan na ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa dagdag na benepisyo sa solo parents.
22 senador ang pumabor sa pagpasa ng Senate Bill No. 1411, na layong amyendahan ang Republic Act 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000.
Sa ilalim nito, mabibigyan ng comprehensive package para sa social protection ang solo parents, kabilang ang livelihood, legal advice and assistance counselling services, parent effectiveness services at stress debriefing, at 1,000 pisong buwanang subsidiya.
Bukod dito, awtomatikong magiging miyembro rin sila ng PhilHealth at prayoridad sa mga programang pabahay ng pamahalaan.