Madaming benepisyo na makukuha sa pag-inom ng kape.
Ang kape ay gawa sa inihaw na buto at ito ay natural na stilmulant na mayaman sa nutrients, vitamins, minerals, active substances at antioxidant.
Ayon sa eksperto, ang benepisyo ng kape ay pinapababa nito ang mataas na timbang dahil pinapataas ng kape ang level hormones na iyong katawan para pababain ang timbang.
Ang paginom ng apat na tasa ng kape bawat araw ay maaring mabawasan ang taba ng katawan ng 4% at nagiging sanhi ito ng metabolism na tumutulong sa pagsunog ng mas maraming calories.
Sumunod naman dito, binabawasan ang sakit ng ulo dahil ang caffeine ay natural na lunas ng pananakit ng ulo at migraine.
Nakakatulong din ito para maiwasan ang stroke at pag-palya ng puso.
Pinalalakas din ang immune system dahil ang kape ay mayaman sa antioxidant at phenolic compound na mahalagang proteksyon laban sa kanser. — sa panulat ni Jenn Patrolla