Hindi pa umano naipatutupad nang maayos ang Solo Parent Law o ang Republic Act no. 11861 kaya hindi pa rin nararamdaman ang mga benepisyo nito.
Ito ang ibinahagi ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, nang matanong hinggil sa benepisyo para sa mga solo parents na umaabot sa 15 million ang bilang sa Pilipinas, batay na rin sa World Health Organization ngunit kalahati lamang dito ang nasa poverty line.
Aniya, sa ilalim ng Expanded Solo Parent Act of 2022, dapat may monthly allowance na 1,000 ang mga indigent single parents at diskwento sa mga certain grocery items.
Ayon pa sa House Deputy Majority Leader, pati ang discounts sa grocery items ng mga solo parents ay hindi pa rin naipapatupad.
Kaya iminungkahi ng kongresista na baguhin o amyendahan ang batas at kunin na lang sa national government ang pondo para sa pagbibigay ng allowance sa mga indigent solo parents.