Nilinaw ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na hindi para sa lahat ng produkto at serbisyo ang diskuwentong tinatamasa ng mga may kapansanan o Persons with Disabilities (PWD).
Tugon ito ng NCDA sa social media post ng isang PWD kung saan magkaibang discount rate ang ibinigay sa kanya ng dalawang magkaibang bakeshop.
Ayon sa NCDA, hindi kasama sa discount ng mga PWD ang mga cake at pastries, imported noodles, quail eggs, sweeteners at food supplements.
Hindi rin obligadong magbigay ng diskuwento ang maliliit na tindahan, tulad ng sari-sari stores, food stalls at food court.
Bukod sa medical service, mayroon din diskuwento ang mga PWD sa hotel, restaurant, entertainment center at domestic sea, air at land travel maging sa prime at basic commodities. - sa panulat ni Hannah Oledan