Alam niyo ba na hindi lang pampa ganda ng boses ang luya o salabat?
Epektibo rin ito bilang panlaban sa sakit tulad ng dry cough at sore throat.
Napapalakas din nito ang imunidad ng isang tao dahil naglalaman ang luya ng volatile oils na mayroong anti-inflammatory properties na mabisang pangontra sa sakit ng ulo, trangkaso, at kahit sa menstrual pain.
Napapahupa rin nito ang mga karaniwang sipon at nakakatulong para maibsan ang respiratory problems na may kinalaman sa environmental allergies.
Napapabuti rin nito ang pagdaloy ng dugo sa tulong ng taglay nitong Magnesium, Vitamin C, at iba pang minerals at Amino Acids na kalaunan ay sanhi rin ng pagbaba ng tiyansang magkaroon ng cardiovasculr problems.
Ang pag inom ng salabat ay mayroon ding calming at healing properties na nakatutulong upang pagaanin ang nararamdaman at maibsan ang stress ng isang tao.
Sa simpleng kombinasyon ng luya, mainit na tubig, honey o asukal, at calamansi, marami ka nang makukuhang benepisyo na epektong panlaban sa banta ng COVID-19. - sa panunulat ni Hannah Oledan