Sa kabila ng mabaho nitong amoy, ay mayaman naman ito sa mga nutrisyon at benepisyo.
Nakatutulong ang Durian sa pag re-regulate ng blood pressure ng mga tao dahil ito ay isang dietary source ng potassium, isang electrolyte na tumutulong upang mapanatili ang mga antas ng presyon ng dugo.
Nakatutulong din ito upang makatulog ng maayos ang isang tao dahil ang durian ay naglalaman ng tryptophan, isang mahalagang amino acid na kinakailangan upang mapataas ang mga antas ng melatonin.
Naglalaman din ito ng mas maraming Vitamin C kaysa sa ibang tropical fruits. Ang Vitamin C ay may mga katangian ng Antioxidant na tumutulong upang labanan ang mga free radicals sa iyong katawan, na maaaring makatulong na mabawasan ang pigmentation at wrinkles.
Mayaman din ang durian sa mga mineral na iron, copper at potassium, na lahat ay mahalaga para sa pagpapanatili ng malakas na buto. —sa panulat ni Hannah Oledan