Alam niyo ba na ang gatas ay naglalaman ng mga bitamina na kailangan natin?
Ang gatas ay “superfood” na naglalaman ng mga mahahalagang bitamina at mineral na kailangan ng katawan.
Ito ay may taglay na vitamin B12 na kailangan ng ating utak, 113 mg calcium na pampalakas ng buto, riboflavin para mapanatiling malakas ang katawan, at phosporus na makatutulong sa mga nasirang selula.
Ang gatas ay mayaman din sa protina na tumutulong gumawa ng enzymes sa katawan.
Bukod diyan, mayroon ding potassium at magnesium ang gatas na nagpapakalma sa ating isip.
Para naman sa mga sobrang mag-pawis, ang calcium ang tutulong sa pagbawas ng pagpapawis.
Kaya’t payo ng doktor na uminom ng isang basong gatas araw-araw.