Alam niyo ba ang celery o kintsay ay maraming taglay na nutrisyong pangkalusugan?
Ayon sa mga eksperto, ang celery o kintsay ay isang crispy, crunchy na gulay na talagang maraming benepisyo sa kalusugan.
Ito’y nagtataglay ng antioxidant na nagpoprotekta sa daloy ng dugo.
Naglalaman rin ang kintsay ng vitamin c at nutrients na matatagpuan mismo sa tangkay nito.
Nakakatulong din ang kintsay na mabawasan ang pamamaga ng katawan at maiwasan ang mga sakit sa buto at osteoporosis.
Bukod dito, may mga minerals din ito tulad ng magnessium, iron at sodium na nakakatulong sa kalusugan ng tao.
Ayon sa mga eksperto, marami mang benepisyong taglay ang kintsay ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.