Alam niyo ba na may magandang dulot sa ating katawan ang pagkain ng mani?
Ayon kay Dr. Liza Ramoso-Ong, may benepisyo ang pagkain ng mani lalo na sa utak, puso, at katawan.
Maganda ito sa mga gustong magdagdag ng timbang dahil ang 100 gramo ng mani ay katumbas ng 560 calories.
Nakakatulong din ito sa pag-aaral at pagsasaulo pati na rin sa pagpapanatili ng malusog na puso dahil sa taglay nitong Vitamin B na nagpapaganda sa sirkulasyon ng dugo sa utak at puso.
Maaari rin itong kainin ng may mga diabetes dahil pasok ito sa Diabetese Glycemic Index. —sa panulat ni Hannah Oledan