Alam niyo ba na maraming benepisyong pangkalusugan ang patatas?
Taglay ng patatas ang iba’t ibang bitamina at mineral na nakakatulong mapalakas ang katawan.
Ang Patatas o Potato ay maraming Antioxidant na maaaring mabawasan ang panganib sa mga malalang sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes at ilang uri ng kanser.
Nakakatulong din ang patatas makontrol ang blood sugar sa katawan.
Ang pagkain ng Patatas ay nakakatulong din upang malabanan ang stroke.
Bukod dito, pwede ring isama sa diet foods ang patatas na nakatutulong makadagdag enerhiya sa katawan.
Ayon sa mga eksperto, maraming benepisyo ang patatas sa ating katawan ngunit mainam na kumonsulta sa mga eksperto upang mas mapangalagaan ang katawan.