Kinumpirma ng mga eksperto na maraming makukuhang benepisyo ang pagkain ng balut.
Ang balut ay isa sa kinahihiligan ng mga pinoy lalo na kung sasamahan ng maanghang na suka at asin.
Ayon sa mga eksperto, mayaman sa protina ang balot at penoy at siksik din ang mga ito sa calcium na pampatibay ng ating mga buto.
Importante kasi ang calcium upang mas gumanda ang pangangatawan ng isang tao pero paalala ng mga eksperto, hindi maaring sumobra ang pagkain nito lalo na kung may problema sa puso ang isang tao.
Posible ding sumakit ang batok at tumaas ang blood pressure dahil sa mataas na sodium content nito lalo na ang lebel ng cholesterol. —sa panulat ni Angelica Doctolero