Umabot na sa P14.3 bilyon na halaga ng mga benepisyo ang ipinamahagi ng Department Of Health para sa mga health workers hanggang nitong Setyembre 3.
Saklaw nito ang period 1 o noong Setyembre 15 hanggang Disyembre 19, 2020 at period 2 o mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.
Para sa period 1, nasa P6.4 bilyon ang naibigay na aktibong hazard duty pay para sa 384,159 healthcare workers at special risk allowance para sa 306,314 na iba pa.
Tinatayang P990.9 milyon naman para sa meals, accommodation at transportation allowances ng 103,096 healthcare workers.
Bilang karagdagan para sa period 2, nasa P6.9 bilyon ang halaga ng SRA ang naibigay para sa ng 379,117 healthcare workers.—sa panulat ni Drew Nacino