Hindi sapat ang pasalamat para sa Alliance of Health Workers para sa kanilang pakikipaglaban sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay AHW National President Robert Mendoza, kulang ang pasalamat kung hindi naman matutugunan ang pangangailangan at mga pangako sa kanila ng gobyerno.
Nakakalungkot aniya na pinasalamatan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi naman tiniyak ang proteksyon, mga karapatan at kaligtasan ng mga health workers, gayundin ang pagbibigay ng dagdag na benepisyo.
Magugunitang pinasalamatan ng Pangulo sa kaniyang huling SONA kahapon ang mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.