Alam niyo ba ang mga benepisyong taglay ng coconut water?
Ang coconut water ay mayroong 94% ng tubig at kaunting fat content.
Ito rin ay sagana sa iba’t ibang nutrients tulad ng carbohydrates, sugar, calcium, magnesium, phosporus at potassium.
Ang pag-inom ng coconut water ay nakatutulong din sa pagpigil na magkaroon ng kidney stones dahil pinipigilan nito ang mga crystals na dumikit sa kidney at iba pang bahagi ng urinary track.
Bukod rito, mayroon din itong antimicrobial properties na nakatutulong upang maibsan ang pagkakaroon ng pimple o acne.—mula sa panulat ni Hannah Oledan