Alam niyo na ba na may magandang benepisyo ang pagkaing Ampalaya?
Marami ang benepisyo na tinataglay ang Ampalaya kaya naman, kilala bilang laman ng kusina ang gulay na ito dahil sa masustansiya at masarap na mapait.
Ayon sa eksperto, ang Ampalaya ay epektibong antiviral dahil mabisa itong panlaban sa impeksyon at nagpapatibay ng immune system para labanan ang mga impeksyon.
Pinaniniwalaan din ang Ampalaya ay nakakatulong para maging malinis ang dugo na dumadaloy sa katawan ng tao.
Bukod pa rito, ang gulay na ito ay nakagagamot sa bulate sa tiyan, diarrhea at iba pang sakit na problema sa tiyan.
Mainam din ito sa mga may sakit na rayuma, gout, sakit ng ulo, ubo, lagnat at hemorroids. —sa panulat ni Jenn Patrolla