Ang Kalabasa ay prutas na kabilang sa pamilya ng gourd.
Ito’y kilala dahil sa bunga nito na karaniwang gulay sa bansa kung saan namumulaklak ito ng kulay dilaw at madaling tumubo lalo sa maiinit na lugar.
Ayon sa mga ekperto, mayaman ang kalabasa sa bitamina at mineral tulad ng vitamin a na hindi lamang pampalinaw ng mata kundi kaya rin nitong labanan ang emphysema, isang sakit sa baga na dulot ng matagal na panahon ng paninigarilyo.
Mayroon din itong vitamin c at magnesium na tumutulong upang ma-neutralize ang free radicals sa buong katawan na sanhi ng heart disease at pre-mature aging.
Taglay din ng Kalabasa ang omega-3 fatty acid at carotenoids gaya ng lutein, beta-carotene na lunas sa pagsugpo ng gout at arthritis.