Isa sa mga pinakakilalang legume ay ang mani na madalas kainin tuwing nagpapalipas ng oras o miryenda.
Nakatutulong ang mani sa upang mapababa ang tyansa ng pagkakaroon ng diabetes.
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga babaeng mahilig kumain ng mani ay mas bumababa ang panganib na magkaroon ng type 2 diabetes dahil sa mababang glycemic index nito.
Nakapagpapabuti rin ng memorya ang mani dahil sa taglay nitong niacin o vitamin B3 na nakatutulong para sa mas maayos na pag-function ng utak.
Nakatutulong din ang mani upang maiwasan ang depression dahil may taglay itong tryptophan na isang amino acid na gumagawa ng serotonin na isa sa mga happy hormones.
Mabisa rin ang pagkain ng mani sa pagbabawas ng timbang, pagpapabuti ng skin health, at pagpapalakas ng immune system.