Alam n’yo bang ang Mangosteen ay kilalang prutas na kalimitang tumutubo sa isla ng Mindanao.
Ang bunga ng Mangosteen ay bilog, kulay lila at makinis ang balat na may manamis namis o mangasim ngasim na lasa.
Ayon sa mga eksperto, ang laman ng bunga ay may saccharose, dextrose, at kerrelose na nakakatulong sa dysmenorrhea, impeksyon dulot ng fungi, lagnat, sugat at kanser.
Ang dahon ng mangosteen ay madalas ding ilaga upang mainom na nakapagbibigay ng kaginhawahan sa katawan habang ang balat ng bunga ay mabisa sa paggagamot. —sa panulat ni Airiam Sancho