Naglunsad ng caravan ang nasa 250 magsasaka sa La Trinidad, Benguet laban sa walang-tigil na smuggling ng gulay sa Metro Manila.
Bukod sa mga mag-gugulay, sumama rin sa protesta ang mga stakeholder mula sa iba’t ibang trading area sa naturang bayan.
Dismayado ang League of Associations sa La Trinidad Vegetable Trading Post sa kawalang aksyon ng gobyerno sa kanilang mga panawagan.
Iginiit ng grupo na wala namang subsidiya ang pamahalaan kaya’t imposible silang makipag-kompetensya sa mas mababang presyo ng mga puslit na gulay.
Dahil anila sa smuggling, naaapektuhan ang supply at demand sa mga lokal na gulay na nagreresulta sa patuloy na pagbaba ng presyo nito kaya’t nalulugi ang mga vegetable farmer. —sa panulat ni Mara Valle