Idineklara na ng Bureau of Fire Protection (BFP) na under control na ang nangyaring forest fire sa Tuba, Benguet.
Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog sa Mt. Santo Tomas noong nakalipas na Biyernes kungsaan nahirapan silang apulahin ito dahil sa lakas ng hangin sa lugar.
Samantala, sa area ng Kabayan, isa pang forest fire incident ang nangyari doon kung saan idineklara narin itong under control ng BFP.
Tinatayang aabot sa 643 hectares ang naapektuhan sa naturang sunog.