Tiniyak ni Benguet Governor Crescencio Pacalso na walang kakulangan sa supply ng gulay sa kabila ng pananalasa ng habagat sa lalawigan at ilang karatig lugar sa Luzon.
Ayon kay Pacalso, hindi vegetable shortage ang dahilan ng mataas na presyo ng gulay sa Metro Manila kundi ang tumataas na transportation cost at ipinapatong na presyo ng mga middleman.
Marami aniyang kalsada at tulay ang nasira o nalubog sa baha dahil sa malakas na ulan kaya’t hirap ang pagbibiyahe sa mga gulay patungong Metro Manila.
Batay sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, sampung porsyento lamang ng vegetable production ng Benguet ang naapektuhan ng kalamidad.
Pitumpu’t limang porsyento ng supply ng gulay sa Metro Manila ay nagmumula sa Benguet.