Nakahanda na ang Benguet para sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto at turista sa ibat ibang bundok na dinarayo tuwing mahal na araw.
Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, all set na ang lokal na pamahalaan at mga pulis na magbabantay sa mga deboto at mga turista na tutungo sa Mt. Ulap , Mt. Ugo, Mt. Pigingan at Mt. Bidawan o mas kilala sa tawag na Ave Maria.
Ipinabatid naman ng Benguet Provincial Tourism Office na marami pang bundok ang puwedeng akyatin sa lalawigan ngayong Semana Santa lalo na sa mga gustong magnilay-nilay gaya na lamang sa Mt. Pulag, Mt Purgatoryo at Mt. Yangbew.
Samantala, nanawagan naman ang mga lokal na opisyal ng Benguet sa mga turista na aakyat ng bundok na huwag mag-iwan ng mga basura.
—–