Alam niyo na ba na may magandang benepisyo sa ating katawan ang pagkain ng pakwan?
Ayon kay Doctor Willie Ong, makatutulong ang pakwan para lunasan ang sakit sa puso, alta-presyon, kanser, katarata sa mata, ulcer, singaw, mabahong hininga at pananakit ng tiyan.
Makabubuti din ang pagkain ng pakwan sa ating kidney at pantog dahil nililinis ito ng prutas.
Sagana rin sa Vitamin B ang pakwan tulad ng potassium at iron at may natural na asukal para mapasigla ang katawan. - sa panunulat ni Jenn Patrolla