Alam niyo ba na maraming taglay na benepisyo ang mais sa kalusugan ng tao?
Ang mais o corn ay puno ng bitamina at mineral na nakatutulong sa ating katawan.
Nagtataglay ang mais ng mga bitamina B12 at follic acid para mapigilan ang pagkakaroon ng anemia.
Pinipigilan rin ng mais ang pagkakaroon ng diabetes at alta-presyon.
Nakatutulong din ang pagkain ng mais upang maiwasan ang pagkakaroon ng malalang sakit tulad ng sakit sa puso at iba’t ibang uri ng kanser
Bukod dito, mayroon beta carotene ang mais na nagpapalinaw sa ating paningin.
Ayon sa mga eksperto, ang mais ay maraming taglay na nutrisyon sa kalusugan ng tao, ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit mas mainam kumonsulta sa mga eksperto.