Nahaharap sa panibagong kaso ng katiwalian si dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos.
Kaugnay ito sa pagbili ni Abalos bilang COMELEC Chairman ng dalawang Toyota Revo VX 200 sa Toyota Pasong Tamo Inc. sa Makati City noong 2003.
Inaakusahan ng Office of the Ombudsman si Abalos ng pagbibigay ng pabor sa isang pribadong kumpanya dahil walang isinagawang public bidding para sa pagbili ng sasakyan ng COMELEC.
Tatlumpung libong piso (P30,000) ang inirekomendang piyansa ng prosecutors para kay Abalos.
Kamakailan lamang ay inabsuwelto ng Sandiganbayan si Abalos sa kasong may kinalaman sa national broadband deal project.
By Len Aguirre