Masayang ibinalita ng Kapuso heartthrob na si Benjamin Alves na makakasama niya sa big screen si Miss Universe Philippines 2016, Maxine Medina.
Ipinahayag ng aktor ang una nilang pagtatambal para sa isang upcoming movie project sa isang Instagram post kung saan kasama niya si Maxine.
May isa lamang umanong request ang Kapuso heartthrob sa 5’8” tall na beauty queen:
Just please don’t wear heels.
Gayunman, sinabi ni Benjamin na asahan din ang maraming sorpresa galing sa talented na si Maxine.
Si Benjamin ay kasalukuyang napapanood sa GMA Telebabad primetime block na I Heart Davao.