Nananatiling matumal ang bentahan ng bulaklak sa Dangwa market, sa Sampaloc, Maynila, halos isang linggo bago ang undas.
Ito’y sa gitna ng pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo simula October 29 hanggang November 2 upang maiwasan ang hawaan ng Covid-19.
Binawasan na rin ng mga flower shop ang kanilang operational hours o hanggang alas-10 na lamang ng gabi maging ang kanilang supply mula Baguio at Tagaytay dahil walang masyadong customer.
Umaasa naman ang ilang vendor na bubuksan ng gobyerno ang mga sementeryo kahit dalawa o tatlong oras lamang, pero naiintindihan naman anya nila ang sitwasyon dahil maging sila ay takot ding magkasakit.
Samantala, sa pag-iikot ng DWIZ ay stable pa ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa kung saan naglalaro sa P200 hanggang P250 ang kada bundle ng roses; oriental lilies, P600 per bundle o P120 kada tangkay; carnation at gerbera, P180 per dozen. –Sa panulat ni Drew Nacino