Lalong tumumal ang bentahan ng manok at itlog sa bansa.
Ito ay matapos dumagsa ang suplay ng imported na manok dahilan para bumagsak nitong Lunes sa P98 hanggang P99 ang farm gate price kada kilo, habang anim na piso naman kada piraso ng itlog.
Sa panayam ng DWIZ kay Gregorio San Diego, chairman ng United Broilers and Raisers Association at Philippine Egg Board Association, sinabi nito na maraming poultry growers at egg producer ang umalis na sa industriya o nagbawas ng kanilang produksyon.
Dahilan ng mga ito ang pagkalugi lalo’t napipilitan silang magbagsak ng presyo para maraming bumili.
Samantala, ikinabahala naman ni San Diego ang hindi pagkakaroon ng inspection facilities na magbabantay sa mga manok kung may sakit ito o wala.
previous post