Balik na sa normal ang bentahan ng manok sa loob at labas ng Pampanga matapos itong maideklarang bird flu free ng Department of Agriculture o DA.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, tumaas na sa P110 ang kada kilo ng manok sa mga pamilihan mula sa dating P100 kada kilo.
Sinabi ni Cayanan na malaya at ligtas nang nakakapagbiyahe ng poultry products ang mga taga-San Luis, Pampanga at Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.
Samantala, kinumpirma ni Cayanan na naipamahagi na ng lokal na pamahalaan sa 30 apektadong poultry owners sa bayan ng San Luis.
By Ralph Obina