Mahigpit nang mino-monitor ng Department of Agriculture (DA) ang bentahan umano ng mga jumbo o malalaking imported onions.
Ayon ito kay Agriculture Spokesperson Khristine Evangelista lalo pa’t wala pang report na dumating na sa bansa ang mahigit 5,000 tonelada ng imported na sibuyas.
Dahil dito, pinag-iingat ni Evangelista ang publiko sa pagbili ng mga imported na sibuyas sa merkado na maaaring smuggled at hindi dumaan sa phytosanitary inspection.
Tiniyak naman ni Assistant Secretary Rex Estoperez ang patuloy na operasyon ng inspectorate and enforcement unit ng DA para kumpiskahin ang smuggled onions.
Posibleng ngayong linggo ay dumating na sa bansa ang inangkat na sibuyas para bumaba ang presyo nito.