Limitado pa rin sa dalawang (2) kilo kada customer ang bentahan ng National Food Authority (NFA) rice sa ilang pamihilihan dahil sa kakapusan ng supply.
Sa Pritil Market sa Tondo, Maynila at Balintawak Market sa Quezon City, aminado ang ilang NFA retailer na hindi sila maaaring magbenta ng hanggang limang kilo P27 hanggang P32 na bigas.
Sa Legazpi City, Albay naman, walang magawa ang mga customer kundi bumili ng “binukbok” na bigas dahil P50 na ang kada kilo ng NFA rice.
Tumaas naman ng limang piso ang presyo ng kada kilo ng commercial rice sa ilang palengke sa Novaliches, Quezon City.
Samantala, P48 naman ang presyo ng kada kilo ng bigas ng NFA sa Zamboanga City mula sa dating P60.