Hanggang Agosto na lamang ang bentahan ng murang bigas ng National Food Authority o NFA.
Ito, ayon sa Department of Agriculture o D.A ay dahil kasado na ang implementing rules and regulatons ng bagong Rice Tarrification Law.
Ang naturang batas ang maglilimita sa papel ng NFA bilang tagapamahala ng buffer stock ng bigas para sa mga kalamidad.
Inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol, magbebenta pa naman ng bigas ang NFA ng mga galing sa mga lokal na magsasaka sa Setyembre.
Gayunman, hindi pa malinaw kung ano ang magiging presyo nito sa merkado lalo’t iba-base ang computation ng D.A sa procurement price.