Target ng pamahalaan ang pagbebenta ng bente pesos kada kilo ng bigas hanggang 2028.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Agriculture na gawing pangmatagalan ang bentahan ng murang bigas.
Sinabi ni D.A. Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na sa inisyal na plano ay hanggang Disyembre ng taong ito ang gagawin nilang bentahan ng murang bigas, o puwede pang palawigin hanggang Pebrero ng susunod na taon.
Gayunman, mahigpit aniya ang bilin ni Pangulong Marcos na gawin itong pangmatagalan na.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)