Bahagya pa ring matumal ang bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, isang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Bagaman patuloy ang pagdagsa ng mga mamimili, ilan lamang ang bumibili ng maramihan.
Naniniwala ang mga firecracker vendor na posibleng natatakot na ang publiko na bumili o tumindi ang kompetisyon ng local at imported na fireworks brand.
Nagsanib pwersa naman ang mga traffic enforcer at mga tauhan ng barangay upang ayusin ang mabigat na daloy ng trapiko.
Ayon kay Bocaue Mayor Ed Villanueva Jr, pinababantayan na rin niya ang paligid ng mga firecracker stall laban sa mga naninigarilyo upang maiwasan ang sakuna.
Tiniyak naman ni Villanueva pawang ligal na paputok ang ibinebenta sa bocaue kahit pa nakasabat ng mga banned firecracker tulad ng Super Lolo, Hello Colombia, Aldub at Bin Laden.
By: Len Aguirre I Drew Nacino