Tumaas ang bentahan ng mga paputok ngayong taon kumpara noong 2023.
Ito ayon kay Philippine Fireworks Association President Jovenson Ong, ay kahit pa bumaba ng 40% ang kita sa kanilang fireworks industry mula Enero hanggang Nobyembre.
Paliwanag ni Ong, biglang tumaas ang kanilang kinita nitong unang linggo ng Disyembre.
Kaugnay nito, sinabi ng PFA President na sila ay umaasa na mas makakabawi sila sa bentahan ng paputok at pailaw ngayong holiday season. – Sa panulat ni John Riz Calata