Nagbabala sa publiko ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA kaugnay sa ibinibentang pekeng National Certificates o NC sa social media.
Ayon kay TESDA secretary Isidro Lapeña, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga awtoridad para matukoy at matuldukan na ang ilegal na pagbebena ng mga ito ng NCs.
Nakatanggap kasi aniya sila ng mga sumbong kaugnay sa mga facebook group na nag-aalok ng NCs para sa technical-vocational courses at mga kumpanyang nakatatanggap ng mga bogus na certificate.
Paglilinaw ni Lapeña, hindi ibinebenta ng TESDA ang mga NC dahil ang mga nakakakuha nito ay mga indibidwal na nakapasa lamang sa competency assessment.